Lumaktaw sa pangunahing content

Extra-Judicial Killings, wakasan para sa ikabubuti ng nakakarami.

Extra-Judicial Killings. Isang isyu na magpasa-hanggang ngayon, ay mainit pa rin sa mata at tenga ng ating mamamayan. Hindi lamang isa o dalawa ang sangkot sa isyung ito, kung hindi lahat ng tao sa ating bansa o kaya't mga mamamayan sa buong mundo. Pero, ano nga ba ang tunay nitong kahulugan? Ito ay pagpaslang o pagkitil sa buhay ng isa o higit pang bilang ng mamamayan, nang walang hustisiya o hindi ligal ang pamamaraan ng pagpatay dito. Kadalasang umanong sangkot dito ay mga may kaukulan sa batas, nasa gobyerno o mga awtoridad.

Naging mainit ito, simula nang maupo sa pagka-presidente ng ating bansa si Pang. Rodrigo Duterte noong Hunyo 30, 2016. 


At nang masangkot ang isyung ito, simula nang maisimula na ang tinatawag nating "Oplan Tokhang". Alam nating lahat, noon pa lamang na nangangampaniya pa lamang si Pang.  Duterte, na ito na ang pinaka-misyon niya kung sakaling siya'y manalo. 

Pero, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng "Oplan Tokhang"? Bakit kailangang maraming buhay ang masawi? Ang proyektong Tokhang ay hango sa salitang Cebuano na Toktok-Hangyo o ang ibig sabihin ay katok at pakiusap, sa pamamagitan nito ay nagbabahay-bahay ang mga pulis para magbigay babala sa maaring drug users at pushers. Ang misiyon din na ito umano, ang titigil at pupugsa sa krimen sa ating bansa na may kinalaman sa droga. 


Noong Hulyo 9, 2016, humigit 4, 024 ang bilang ng sumukong drug dependents, users, pushers at couriers sa Tagum City, Davao del Norte. Tinatayang 1.3 milyong mga mamamayan umano ang gumagamit ng iligal droga sa ating bansa, 464 naman ang sumukong drug suspects sa Mandaluyong City. May 42 namang rehabilitations facilities ang nakatayo sa ating bansa. 

Una pa lamang, tutol na ang Simbahang Katoliko sa misyong ito ng pamahalaan. Dahil ang pagpatay, ay labag sa kautusan ng Diyos.



Maraming mga pulis ang nagsasabing "lumaban" ang naturang mamamayan, kaya nila ito'y napatay. May iba ring sinasabi ang mamamayan na nakakita ng mismong insidente na "pinagtripan" lamang ng naturang pulis ang nasabing mamamayan. Magpasa-hanggang ngayon, hindi pa rin ito napapatunayan ng publiko. 






Dahil din dito, maraming estudyante ang nagpo-protesta dito. Mayroon ding mga mamamayan ang bumubuo ng grupo, laban sa extra-judicial killings.


Bilang estudyante, katoliko at mamamayan, ang masasabi lamang namin ay:

"Extra-Judicial Killings, wakasan para sa ikabubuti ng nakakarami."



Proyekto nina: Jane Daisiree Rancap, Ma. Christiine Grace Suan, Shane Liam Jop, Lord Severine Florian Villafuerte
Mula sa: Ika-sampung baitang - St. Agatha of Sicily





Mga Komento

  1. Dapat lang na wakasan. Isang malaking kasalanan sa itaas ang pagpatay ng tao. Lalo pa't wala silang sapat na rason para patayin ang isang tao. Yes, makasalanan ang paggamit ng droga, pero di ba di ito sapat na rason para patayin sila? Wala silang karapatan para gawin yun. Pwede namang silang hulihin ng maayos, di na pede paabutin pa sa pagdanak ng dugo.

    TumugonBurahin
  2. Pabor ako sa panukala na wakasan na ang ganitong gawain. Kahit kailan, hindi magiging kabayaran ang isa pang buhay para sa isang buhay na nawala. Hindi rin dapat ginagawang biro o trip lang ang pagpatay. Isa itong seryosong bagay. Maraming pwedeng maapektuhan. Maraming kinabukasan ang pwedeng masayang. Kung sa kanila ba gagawin ang "extra-judicial killing" na iyon, ayos lang ba sa kanila? Matutuwa pa ba sila? Dapat matutong rumespeto sa buhay. Kung may nagawa mang kasalanan, kung napatunayan man, wag nating ilagay sa kamay natin ang batas ng tao at ng Diyos. Hayaan nating dumaan ang lahat sa legal na proseso. Wala tayong karapatan na kumitil ng buhay ng tao. Diyos lamang. Dahil ang Diyos ang nagbigay o nagpahiram nito. Sya lang ang may karapatang magsabi at umaksyon kung kailan Niya babawiin ang buhay na ipinahiram Niya. Dapat, wakasan na ang extra-judicial killing.

    TumugonBurahin
  3. Nararapat lamang na maparusahan ang sinuman na lumalabag sa batas. Ngunit hindi kailanman dapat mangyari na maparusahan ang isang Inosente, at ito higit sa anumang dahilan ang nanganganib mangyari kung mananatili sa ating lipunan ang ' extra judicial killings '. ' It's better to free a guilty man than to punish an innocent '. Gusto ng ating gobyerno na wakasan ang peste ng droga sa ating bansa, dapat lng. Pero hindi ang kaliwat kanang patayan ang solusyon. Bakit ba may mga pusher at mga drug couriers? Hindi ba na ang kahirapan at baluktot na justice system ng ating bansa ang dapat na bigyan ng reporma? Kung ang gobyerno ang lalabag sa mga batas na sya nitong itinataguyod, ano pa ang pagkakaiba ng mga kriminal at ng mga alagad ng batas?

    TumugonBurahin
  4. Dapat talaga itigil ito!!! Hindi nila napapansin pero pumapatay sila ng mga inosente tao!!! Kahit yun mga tao na'yan at gumagamit ng iligal ng droga! Hindi ng ito makatarungan, at ang mas maalala pa mga dalawang menor de edad ang napatay nila dahil lang sinabi ng mga pulis ng naglaban sila o nakakitaan nila may nakatagong droga o kaya pinag-tripan nila! Hindi na ito makatarungan, kung sino pa naman ang nasa bataw, siya pa ang pumapatay. Itigil na ito!

    TumugonBurahin
  5. Mahirap isipin kung saan ka kakampi kasi pag may namatay lang sisi agad sa mga pulis tas kung hindi naman sasabihin na hindi nagdrodroga kaya hindi malaman kung saan kakampi at kung kanino maniniwala. Pero sang-ayon ako na itigil ang EJK upang umunti ang bilang ng mga namamatay

    TumugonBurahin
  6. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  7. Maaari ng mabisa ito, ang Oplan Tokhan, dahil dito napapaka-usapan nila ang mga taong drug pusher at user ng itigil ang nakasanayan nila pero tulad ng nakasulat dito ng mga mag-aaral, hindi excuse ang sinasabi ng mga pulis ng "naglaban" ang mga taong iyon para patayan nila ito. Dahilan para magkaroon ng isyu ukol sa Extra-Judicial Killings sa acting bansa.

    TumugonBurahin
  8. Para saakin ang extra judicial killing ay nakaka apekto sa atin sa masamang paraan dahil nadadamay ang mga inocenteng tao na Di naman sangkot sa karimen at karamihan sa droga.

    TumugonBurahin
  9. Ang programa ng pamahalaan na oplan-tokhang ay magandang programa, ngunit nagagamit sa maling paraan marahil narin dahil sa mga kumikilos upang mapatupad ito. Dumating tayo sa panahong hindi na natin alam kung sino ba ang dapat na pagkatiwalaan, madalas na ang inaakala nating mga makakatulong sa atin ay sya palang namumuno sa pagpapatay ng mga tao. At ang mga inaakala nating hindi makakatulong sa atin, ay sya papalang magsasalba satin sa kapahamakan. Ang isyung EJK ay matagal ng usapin sa senado, naging mainit lamang ito sa mata ng marami simula ng maupo si Digong, at dahil sa kanyang programa patungkol sa drug-addiction na sinamantala ng marami upang mai-sagawa ng mga EJK. Sang-ayon ako na dapat ay mawakasan na ang EJK, ngunit hindi ako sang-ayon sa mga ginagawang paraab upang mai-sagawa ang pagpapawakas nito, masyadong OA at hindi nakabubuti ang mga ginagawa ng mga nagpoprotesta patungkol rito, walang naidudulot na mabuti. Imbis na magprotesta mas maganda kung gumawa sila ng mga campaigns upang matulungan ang gobyerno upang mawakasan ito. DRUGS ang kalaban ng mga tao, hindi tao. Mas magandang sundin at suportahan ang plano ng gobyerno. DRUGS, ito lang naman sa totoo lang ang kalaban ng mga tao. Kapag nawakasan ito, ay mawawala rin ang EJK.

    TumugonBurahin
  10. Para sa akin kailangang itigil ang ejk dahil alam nating lahat na mali ang pumatay ng tao kahit gaano man kalaki o kaliit ang kasalanan nito.Labag ito sa utos ng diyos at marami na ring inosente ang nadadamay.

    TumugonBurahin
  11. i agree with this. hindi solution ang pagpatay upang matugunan ang problema sa illegal na droga. lalo pa't ang pagpatay ay masama sa mata ng tao at lalo na sa mata ng Diyos. ang Diyos lamang ang may karapatang bawiin ang buhay na kanyang pinahiram

    TumugonBurahin
  12. Ang karapatan sa buhay ay taglay at hindi maaaring tuligsain ng sinuman. Ito ay ang pangunahin sa lahat ng karapatang pantao at pinagmumulan ng lahat ng iba pang karapatan. Ang pamamaslang o pagkait sa karapatan sa buhay ay hindi maaaring gawing dahilan para sa ikaaabot ng anumang hangarin. Ang kaniyang pagkasagrado at proteksyon ay siyang pangunahing dahilan ng ating pagbibigay-tiwala sa gubyerno. Kapag mismong ang gubyerno na mismo ang lumalapastangan sa karapatang ito, sino pa ang magtatanggol sa mamamayan? Dapat lamang na ito'y wakasan.

    TumugonBurahin
  13. Maraming salamat, mga kapwa ko magaaral. Dahil dito, mas marami akong natutunan sa ejk na isyu. Para sa aking opinyon, tama lang na itigil ang ejk. Dahil, may pagkakataon pa ang iba na magbagong buhay, para sa buhay ng kaniyang mahal sa buhay. Nawa'y, ipagpatuloy ninyo ang paggawa ng ganitong blog. Maraming salamat.

    TumugonBurahin
  14. Sangayon ako na wakasan ang extra judicial killings dahil may mga buhay na pwede pang baguhin. Hindi naman tayo ang Diyos upang kumuha o pumatay ng buhay hindi ba? Maganda ang programa ng pamahalaan makikita naman natin na talagang natatakot na ang ibang mga drug user/drug pusher at ito ang naguudyok sakanila na tumigil na sa mga ginagawa nila.

    TumugonBurahin
  15. Tama lang na itigil ang extra Judicial killings. Tama nga naman na hindi nakakabuti na gumamit ng droga pero sana naman kausapin ng lang ng maayos ang mga tao na gumagamit nito. Dahil sa operasyon na ito pati ang mga mamayaman ay nadadamay. Tama lang na itigil ang ExtraJudicial Killings!

    TumugonBurahin
  16. Sangayon ako sa ExtraJudicial Killings. Pwede naman magbago ng buhay ng maayos diba? Di mo kailangan mangpatay ng tao para mabawasan ang paggamit ng droga. Pwede mo naman baguhin ang buhay ng tao. Kaya tama lang na ipatigil ang ExtraJudicial Killings.

    TumugonBurahin
  17. Payag ako sa pagtigil ng Extra Judicial Killings. Ang daming namamatay na mamayaman na hindi naman talaga gumagamit ng droga. Ang daming nadadamay sa opersayon na to. Bumabawas na rin ang populasyon natin dahil sa operasyon na to.

    TumugonBurahin
  18. Isang magandang pahayag ito, tama nga na maparusahan ang mga lumalabag ng batas pero sana ito ay gawin ng may tamang paglilitis mula sa korte.

    TumugonBurahin
  19. Sangayon ako sa pagtigil ng extra judicial killings dahil madaming hambog na kapulisan ang ginagamit ang paraan na 'to para makapatay ng inosente at mga damay lamang kaya minsan nasisi ang ating pangulo sa mga ganung pangyayari sapagkat isinatupad niya 'yon. May maganda din namang naidulot ang extra judicial killings dahil madaming mga gumagamit ng droga ang natakot at sumuko na lamang pero dahil nga sa mga issues ng mga kapulisan ay akala ng iba masama na ang ganung gawain.

    TumugonBurahin
  20. Para sa akin, maganda naman ang layunin ng "Oplan Tokhang," ang mali lang ay ang pamamaraan ng ibang pulis na nagreresulta sa pagkamatay ng ilang drug pushers. Kaya naman, marapat lang na wakasan na ang EJK, dahil mas nakakadagdag lang ito ng pangamba sa mga inosenteng tao. Marami ang nadamay,nadadamay at madadamay pa na inosente hangga't hindi ito natatapos.

    TumugonBurahin
  21. Dapat na ngang wakasan ang mga patayan na nangyayari sa Pilipinas ngayon, we have to respect life dahil ito ay isang regalo galing sa Dios na dapat pagbigyan ng importansya dahil isa lang ang buhay na ibinigay Nya sa bawat isa sa atin dito sa lupa kaya dapat pahalagahan hindi basta2 kitilin.

    According to the book of Ezekiel in the Old Testament,
    Ezekiel 33:11 New International Version (NIV)

    11 Say to them, ‘As surely as I live, declares the Sovereign Lord, I take no pleasure in the death of the wicked, but rather that they turn from their ways and live. Turn! Turn from your evil ways! Why will you die, people of Israel?

    And as we know the case of Magdalene in the book of John in the New Testament that Jesus disagree the laws of the Jaws that whoever commits adultery will be punishable by death.

    John 8:3-11 New International Version (NIV)

    3 The teachers of the law and the Pharisees brought in a woman caught in adultery. They made her stand before the group 4 and said to Jesus, “Teacher, this woman was caught in the act of adultery. 5 In the Law Moses commanded us to stone such women. Now what do you say?” 6 They were using this question as a trap, in order to have a basis for accusing him.

    But Jesus bent down and started to write on the ground with his finger. 7 When they kept on questioning him, he straightened up and said to them, “Let any one of you who is without sin be the first to throw a stone at her.” 8 Again he stooped down and wrote on the ground.

    9 At this, those who heard began to go away one at a time, the older ones first, until only Jesus was left, with the woman still standing there. 10 Jesus straightened up and asked her, “Woman, where are they? Has no one condemned you?”

    11 “No one, sir,” she said.
    “Then neither do I condemn you,” Jesus declared. “Go now and leave your life of sin.”

    These bible verses supports that we should give importance to life, respect life and defend life.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento