E xtra-Judicial Killings. Isang isyu na magpasa-hanggang ngayon, ay mainit pa rin sa mata at tenga ng ating mamamayan. Hindi lamang isa o dalawa ang sangkot sa isyung ito, kung hindi lahat ng tao sa ating bansa o kaya't mga mamamayan sa buong mundo. Pero, ano nga ba ang tunay nitong kahulugan? Ito ay pagpaslang o pagkitil sa buhay ng isa o higit pang bilang ng mamamayan, nang walang hustisiya o hindi ligal ang pamamaraan ng pagpatay dito. Kadalasang umanong sangkot dito ay mga may kaukulan sa batas, nasa gobyerno o mga awtoridad. Naging mainit ito, simula nang maupo sa pagka-presidente ng ating bansa si Pang. Rodrigo Duterte noong Hunyo 30, 2016. At nang masangkot ang isyung ito, simula nang maisimula na ang tinatawag nating "Oplan Tokhang". Alam nating lahat, noon pa lamang na nangangampaniya pa lamang si Pang. Duterte, na ito na ang pinaka-misyon niya kung sakaling siya'y manalo. Pero, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng "Oplan Tokhang"? ...